ZPPSU pinagtibay ang kahalagahan ng JO, COS workers ng unibersidad

ZAMBOANGA PENINSULA POLYTECHNIC STATE UNIVERSITY — Masayang pinasinayaan ng unibersidad ang oryentasyon na isinagawa para sa Job Order at Contract of Service personnel, na naglalayong talakayin ang mga patakaran ng unibersidad at ihanda ang mga bagong kawani para sa kani-kanilang tungkulin, na ginanap sa Accreditation Room kahapon, ika-11 ng Pebrero, ngayong taon.

Ito ang pinakaunang oryentasyong isinagawa para sa mga nabanggit na tauhan, na pinangunahan ng Human Resource Management Office.

Saad ni HRMU Head na si Bb. Liza F. Santos, na nais iparating ng institusyon ang kanilang kahalagahan sa epektibo at mahusay na workforce ng unibersidad.

Tinalakay niya ang Client Services Program, ang ZPPSU D’ BEST Element (DELIGENT, BUENAS, SMILE, THANKYOU), at ipinakilala ang mga kataas-taasan ng unibersidad na pinangungunahan ni Dr. Nelson P. Cabral.

Dagdag pa rito, umaasa si Bb. Santos na maging komportable sila sa trabaho at nadadama nila ang kanilang kahalagahan sa bawat tagumpay ng institusyong pang-akademiko.

Ipinahayag ng mga manggagawa ang kanilang pangako sa kanilang mga tungkulin, at tiniyak na palagi nilang susundin ang mga patakarang ipinatutupad ng unibersidad.

Sa pamamagitan nito, patuloy na pinagtitibay ng institusyon ang pangako nitong hubugin ang mga empleyadong may integridad, kahusayan, at dedikasyon sa serbisyo. Dumalo rin sa kaganapan ang Chief Administrative Office for Admin, Ms. Carina Abidin, at mga kasamahan sa HRMU, G. Ethen Dwight S. Torres at Gng. Maria Antonette E. Gatinao.

Natapos ang aktibidad na puno ng kaalaman ang mga bagong kawani ng ZPPSU. (Isinatitik ni: Bb. Pauline Kate C. Porras/JRA/ABC/Larawan ni: Norvin Partosa/Public Information Office)

Scroll to Top