Ito ang kauna-unahang orientasyon na ginanap ng Zamboanga Peninsula Polytechnic State University para sa mga Job Order at Contract Of Service na pinangunahan ng opisina ng Human Resource Management Unit (HRMU), na ginanap kahapon sa Quality Assurance Office., ika-11 ng Pebrero, ngayong taon.


Tinalakay sa aktibidad ang Client Services Program (ZPPSU DβBEST), kompensasyon at mga benepisyo, gayundin ang tamang dress code at propesyonal na asal sa loob ng unibersidad. Layunin ng oryentasyon na ihanda ang mga kawani sa kanilang mga tungkulin at tiyaking may sapat silang kaalaman sa mga patakaran, serbisyong ipinatutupad at maiparamdam na sila ay bahagi ng institusyon.


Sa pamamagitan ng gawaing ito, patuloy na pinagtitibay ng institusyon ang pangako sa paghubog ng mga kawani na may integridad, kahusayan, at dedikasyon sa paglilingkod.


Isinatitik ni Bb. Celine Joy Rojas, Intern
Larawan ni Norvin Partosa, Intern
