๐—ฉ๐—ข๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—ฆ ๐—ฅ๐—˜๐—š๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—ฅ๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก 2026, ๐—œ๐—ฆ๐—œ๐—ก๐—”๐—š๐—”๐—ช๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ญ๐—ฃ๐—ฃ๐—ฆ๐—จ

Inaanyayahan ang mga mag-aaral ng institusyon na magrehistro para sa darating na eleksyon ngayong taon na pinangunahan ng Commission on Election (Commelect) katuwang ang ZPPSU Legal Office at University Student Council sa ZPPSU Gymnasium, ngayong araw.

Ang nasabing aktibidad ay dalawang araw na gaganapin, kinakailangan lamang dalhin ang Valid ID at gagabayan ng buong team ng COMELEC ang buong proseso.

Maraming estudyante ang nakilahok at nagparehistro bilang paghahanda sa nalalapit na halalan.

Sa pamamagitan ng pagboto, naipapahayag natin ang ating boses at nakikilahok tayo sa pagpili ng mga lider na maglilingkod at magbibigay direksyon sa ating komunidad at bansa. Ang bawat boto ay may epekto sa kinabukasan ng bansa, kaya mahalagang maging responsable at mapanuri sa pagboto.

Patuloy nating isulong ang pagiging responsableng mamamayan. Magparehistro, bumoto, at makilahok para sa mas maayos na kinabukasan!

Isinatitik ni: Pauline Porras

Larawan ni: Celine Joy Rojas

Scroll to Top