Patimpalak sa islogan at poster-making, idinaos

ZAMBOANGA PENINSULA POLYTECHNIC STATE UNIVERSITY (PIO) — Ang College of Arts, Humanities and Social Sciences, kaugnay ang kursong Batsilyer ng Sining sa Filipino ay nagdaos ng patimpalak sa Pagbuo ng Islogan at Poster Making Contest sa Zamboanga Peninsula Polytechnic State University bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika, ngayong taon.

Nagsilbing gabay ang temang “Paglinang sa Filipino at Katutubong wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa,” sa mga patimpalak na may layuning pangalagaan at ipamalas ang iba’t ibang kakayahan at talento ng bawat mag-aaral.

Ang kabuuan na sumali sa kompetisyong sa Pagbuo ng Islogan ay may labin- apat (14) at sa Poster Making Contest naman ay labin- pito (17), na galing sa iba’t-ibang kolehiyo ng unibersidad, at binigyan ng sapat na oras upang matapos ang kanilang ginagawang likhang sining. ‎

Ngunit, pinatunayan ng mga mag-aaral na hindi lamang magaling ito sa  pang-akademiko, kundi magaling rin sa sining.

Ang Program Chair ng Batsilyer ng Sining sa Filipino na si Gng. Lorena B. Tiana, ay nagbigay ng makabuluhang mensahe ukol sa kahalagahan ng kompetisyon sa kultura at tradisyon ng mamamayang Filipino, na nagsisilbing pundasyon upang hubugin, ipagmalaki, at pangalagaan ang Pambansang Wika.

Ang mga nagwagi ay iaanunsyo sa katapusan ng Agosto, sa bulwagan ng CAHSS. (Isinatitik ni Oscar R. Araneta Jr./JRA/ABC/Kuhang Larawan ni Dima Sampang/Public Information Office)

Scroll to Top