ZAMBOANGA PENINSULA POLYTECHNIC STATE UNIVERSITY (PIO) — Mahigit isang libong mga bagong scholar grantees ng Zamboanga Peninsula Polytechnic State University ang dumalo sa Tertiary Education Subsidy (TES) orientation na naganap sa university gymnasium nitong linggo.
Ang nasabing subsidy ay isang programa ng gobyerno na naglalayong magbigay ng tulong pinansyal sa mga mag-aaral ng unibersidad.
“The Nation of Philippines Government investing on you,and this investment dapat pahalagahan natin,” sabi ni Vice President for Student Affairs and Services Dr. Cyrus Pil Cadavedo.


Ang oryentasyon ay naglalayong ipakilala sa mga estudyante ang mga benepisyo at mga kinakailangan ng programa. Ito rin ay isang pagkakataon para sa mga estudyante na makilala ang mga kapwa estudyante, mga guro, at mga kawani ng paaralan na nagpapatakbo ng programa.
Ang mga benepisyaryong mag-aaral ay makakatanggap ng kabuuang 20,000 sa loob ng isang taon, kung saan 10,000 ang matatanggap nila kada semester.


“The Tertiary Education Subsidy is the gift of opportunity. Prioritize your academic excellence,” dagdag ni Prof. Clarisa Acac.
Ang Komisyon sa Mas Mataas na Edukasyon – UNIFAST na si Ms. Watchel T. Basillo ay nagbahagi ng mga patakaran ng TES scholarship sa mga bagong grantee.



Head Scholarship Financial Assistance Ms. Lilia P. Remoto ay nagpapasalamat sa ating gobyerno, sa malaking tulong na sinadya para sa mga mag-aaral ng unibersidad. (Isinatitik ni: Angelica Quinta/JRA/ABC/Kuhang Larawan ni: Oscar Jr. R. Araneta at Dima Sampang/Public Information Office)