ZAMBOANGA PENINSULA POLYTECHNIC STATE UNIVERSITY (PIO) — Sa pagtatapos ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa unibersidad, mga estudyanteng kalahok na nagwagi sa mga iba’t-ibang kompetisyon ng sining ay pinarangalan, na pinangunahan ng College of Arts, Humanities, and Social Sciences partikular ang programang Batsilyer ng Sining sa Filipino.


Naghanda ng samu’t-saring patimpalak sa sining na kinalahukan ng mga mag-aaral ng mga departamento, at ang mga nanalo ay ang mga sumusunod:
*Pagsulat ng sanaysay: (1st place) Jul-Ashri D. Samson – College of Engineering and Technology; (2nd place) Manoisa S. Ambuting – Institute of Technical Education; (3rd place) Leona Mae D. Rivera - College of Arts, Humanities, and Social Sciences.
*Dagliang Talumpati: (1st place) Shirina Revilla – College of Arts, Humanities, and Social Sciences; (2nd Place) Theresa Maria D. Digma – College of Teacher Education; (3rd place) Berlie L. Arcillas- College of Physical Education and Sports.
*Slogan Contest: (1st place ) Angelo G. San Antonio – College of Physical Education and Sports; (2nd place) Cristal A. Salvador – College of Teacher Education; (3rd place) Precious L. Clemente – College of Engineering and Technology.
*Poster-Making Contest: (1st place) Rocie Bhea Q. Taconing – College of Teacher Education; (2nd place) Ksius Avrylle M. Lumpapac; (3rd place) Alkudri A. Jailani – College of Arts, Humanities, and Social Sciences.
*Isahang Tinig: (1st place) Erika – College of Arts, Humanities, and Social Sciences; (2nd place) Kasey Pilapil – College of Engineering and Technology; (3rd place) Christian Alejandro – College of Teacher Education.
*Spoken Poetry: (1st place) Mariville Marie R. Reponte – School of Business Administration; (2nd place) Renz Jhon Latorre – College of Engineering and Technology.
*Booth Contest: (1st place) – Ikatlong antas ng Batsilyer ng Sining sa Filipino; (2nd place) – Unang antas ng Batsilyer ng Sining sa Filipino; (3rd place) – Ikalawang antas ng Batsilyer ng Sining sa Filipino.


Ang dekana ng nasabing kolehiyo na si Prof. Jocelyn P. Remoto, ay nagbigay ng mainit na pagbati sa mga mag-aaral at nagpahayag ng pasasalamat sa mga nakiisa sa selebrasyon.
Pinaniniwalaan na ang pagdiriwang ito ay nagpapaalala sa bawat Pilipino sa kahalagahan ng wika at kultura. Ito ay magandang pagkakataon upang ang mga kabataan ay higit na maging malapit sa kanilang ugat at identidad bilang Pilipino. (Isinatitik ni Bb. Dima A. Sampang/JRA/ABC/Kuhang Larawan ni Bb. Roseane B. Bantigue at Bb. Rhyne Torres/Public Information Office)