Matagumpay na isinagawa ang Symposium tungkol sa Adolescent Health and Development sa mga mag-aaral ng Senior High School (SHS), na pinangunahan ng opisina ng Medical Dental Health Services (MDHS), katuwang ang City Social Welfare and Development (CSWD), Student Affairs and Services(OSAS), at Student Council, na ginanap sa gusali ng Angara, ngayong araw ika-20 ng Pebrero, ngayong taon.


Tinalakay sa symposium ang Adolescence, Teenage Pregnancy, STI at HIV at ang Republic Act No. 11596 upang mabatid ng mga mag-aaral ng SHS ang kahalagahan ng pagbabago sa kanilang katawan, mga dapat gawin upang maiwasan ang maagang pagbubuntis, magkaroon ng sakit tulad ng HIV at malaman ang karapatan ng bawat isa.



Layunin ng symposium na ihanda ang mga mag-aaral ng SHS sa kanilang hinaharap upang maging maingat at responsable sa kanilang gagawing desisyon sa kanilang buhay.


Isinatitik ni | Ginoong Norvin A. Partosa
