Matagumpay na isinagawa ang earthquake drill sa mga mag-aaral, guro at empleyado sa gusali ng Angara at ITE na pinangunahan ng opisina ng Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO), katuwang ang 2nd Maintenance Philippine Army, ngayong araw, ika-12 ng Marso.


Sa pamamagitan ng isinagawang drill, malalaman ng buong komunidad ang mga hakbang na makapagliligtas ng kanilang buhay partikular ang “Duck, Cover, and Hold,โ sumilong sa matitibay na bagay at tumungo sa ligtas na lugar upang maiwasang masaktan at masawi.


Layunin ng ginawang aktibidad ay tiyaking handa ang bawat mag-aaral, guro at empleyado sa tamang gagawin kung sakaling maranasan ang malakas na lindol.

Isinatitik ni: Norwin Partosa
Larawan ni: Pauline Kate Porras
